PWDs, nagpamalas ng galing sa NDPR Week Celebration
Published: July 19, 2018 05:11 PM
Ipinamalas ng mga Persons with Disability (PWD) ang kanilang mga talento at kakayahan sa pagdiriwang ng 40th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week na may temang “Kasanayan at Kakayahan para sa Kabuhayan Tungo sa Kaunlaran.”
Nagsimula nitong Martes, Hulyo 17 ang iba’t ibang aktibidad para sa pagdiriwang na pinangunahan ng PWD Office at ito ay magtatapos sa Hulyo 23.
Ipinakita ng mga PWD ang kanilang pagiging malikhain sa pamamagitan ng photography contest na base sa tema ngayong taon.
Ang pambatong larawan ng Abar 2nd ang nakapukaw sa mga hurado at nakakuha ng unang pwesto. Samantala, 2nd Placer ang Abar 1st, at 3rd Placer naman ang barangay Sibut.
Nagkaroon din dito ng Seminar/Workshop na tungkol sa Community Based Inclusive Development para malaman ang iba pang mga aktibidad na makatutulong para mapaunlad ang pamumuhay ng mga PWD.
Maliban dito, pinangunahan ni Punong Lungsod Kokoy Salvador ang panunumpa ng mga bagong halal na PWD Officers sa mga barangay.
Makikipagpaligsahan din ang mga kinatawan ng lungsod sa isasagawang Regional NDPR Week sa San Fernando, Pampanga sa Hulyo 23 at sa Tanauan, Batangas para sa Palarong Bayani sa Hulyo 20.
Magkakaroon naman ng livelihood training sa Hulyo 30-31 bilang bahagi pa rin ng selebrasyon na makatutulong sa mga PWD na magkaroon ng mapagkakakitaan.
Bukod sa mga tampok na aktibidad sa NDPR Week, nagpamigay din ng 12 artificial legs at leg braces para sa mga Persons with Disability noong Hulyo 16 na handog pa rin ng Lokal na Pamahalaan.
Nagpasalamat naman ang mga PWD kay Punong Lungsod Kokoy Salvador sa kanyang walang sawang pagsuporta sa naturang sektor.