PWD�s ng lungsod, bumida
Published: January 05, 2018 04:51 PM
Sa pagpasok ng taong 2018, agad na sinimulan ng Lokal na Pamahalaan ang pagbibigay ng benepisyo at serbisyo sa isa sa mga sektor ng pamayanan, ang PWD’s.
Nakatanggap nitong Miyerkules ng tig-iisang libong pisong cash gift mula sa Lokal na Pmahalaan ang 180 PWDs na may kaarawan noong Oktubre hanggang Disyembre.
Samantala, sa flag raising ceremony sa City Social Circle naman na ginanap ng araw ding iyon, ibinalita na nakatanggap pa ng pagkilala ang Lungsod ng San Jose bago matapos ang taong 2017, sa pamamagitan ng parangal bilang Most Person with Disability (PWD) Friendly Locality ng Regional Council on Disability Affairs nitong Disyembre 13 sa Stotsenberg Hotel, Clark Field, Angeles City, Pampanga.
Iginawad ang nasabing parangal kasabay ng taunang “Awards Night of the Search for Outstanding PWD Leaders, Organizations and PWD friendly Localities”, isang aktibidad na naglalayong makita ang mga nagawa at tagumpay ng mga PWDs sa bansa.
Dagdag pa rito, napabilang ang PWD Federation President of San Jose City na si Wilfredo E. Padua sa mga finalist para sa PWD Leadership Award category.
Noong araw ding yun, ipinakita at ipinagmalaki ng mga PWD’s kay Mayor Kokoy Salvador ang mga decorative flowers na gawa sa recycled plastic bottles na produkto ng kanilang Livelihood Project.
Ang patuloy na pag-unlad ng nasabing proyekto ay nagbigay ng trabaho at pagkakaitaan para sa mga kababayan nating PWD.
Kaya naman, hinihikayat ang lahat na tangkilikin ang mga produktong San Josenio.