PWDs, tumanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan
Published: May 08, 2018 06:25 PM
Binigyan ng Lokal na Pamahalaan ng tulong pinansiyal ang 100 PWD o Persons with Disability mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod kahapon, May 7, sa isang aktibidad na ginanap sa City Hall.
Bukod sa financial assistance, tumanggap din ng medical at educational assistance ang iba pang PWD.
Dumalo sa naturang programa ang Punong Lungsod Kokoy Salvador para ipaalam ang patuloy na pagsuporta at pag-alalay ng Pamahalaang Lokal sa nasabing sektor.
Dagdag pa ni Mayor, adhikain niyang pagsilbihan ang taong bayan at makatulong sa lahat ng nangangailangan, kaya asahan nila ang mga susunod pang programang nakalaan sa mga PWD.
Nagpasalamat naman ang mga Persons with Disability na sa kabila ng kanilang kalagayan ay unti-unting natutugunan ang kanilang mga pangangailangan sa tulong ng Lokal na Pamahalaan.