Rabbit Farming, pinag-aralan ng mga miyembro ng 4Ps
Published: May 18, 2018 04:34 PM
Nagkaroon ng seminar ang mga miyembro ng 4Ps tungkol sa Rabbit Farming o tinatawag din na Cuniculture sa 3rd Floor Conference Room ng City Hall.
Isinagawa ang pagsasanay na ito bilang panimula sa maaaring maging Sustainable Livelihood Project ng San Jose City LGU.
Ibinida ni Pastor George Natividad ang benepisyo ng Cuniculture at ang pwedeng maitulong nito sa mamamayan. Kumpara sa ibang farm animals tulad ng baboy at baka, ang rabbit o kuneho ay mas madaling paramihin at pwedeng katayin sa mas maikling panahon.
Hindi rin ito magastos sa pagkain dahil kaya nitong mabuhay sa kaunting damo, gulay at feeds. Mas malinis at masustansya ang karne nito dahil mataas ito sa protina at mababa sa cholesterol at taba.
Pwede ring pagkakitaan ang balahibo nito na maaaring gawing mga “fur coat”, kumot, at iba pang produkto.
Magkakaroon pa ng mas detalyadong pagsasanay ang mga benepisyaryo para maging matagumpay sila at ang magiging proyekto.
Hinihiling naman ng Lokal na Pamahalaan ang patuloy na pagsuporta sa ganitong mga gawain para sa ikauunlad ng mga nasa mababang sektor ng lipunan.
(Lander Jan Lindain)