RBIM Orientation
Published: March 20, 2023 03:00 PM
Idinaos sa lungsod nitong Marso 17 ang Philippine Population and Development Program and Registry of Barangay Inhabitants & Migrants (RBIM) Orientation para talakayin ang kahalagahan ng pagkalap ng wastong datos ukol sa bilang ng populasyon at migrasyon dito.
Pinangunahan ng Commission on Population (PopCom) Region III ang naturang oryentasyon, katuwang ang City Population Office sa Conference Hall ng munisipyo.
Dinaluhan ito nina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at Chairperson ng Committee on City Population na si Councilor Patrixie Salvador – Garcia, kasama ang mga miyembro ng Population and Development Committee ng lokal na pamahalaan.
Bukod sa pinag-usapan dito ang kahalagahan ng pagkalap ng wastong datos lalo na sa barangay level, iprenisinta rin ng PopCom Regional Office ang RBIM na magsisilbing database.
Maliban sa karaniwang impormasyon na kadalasang makikita sa mga census, kabilang din dito ang impormasyon tungkol sa immunization para sa mga sanggol na may edad 0-11 buwan, uri ng family planning method na ginagamit, at impormasyon ukol sa mga nakaraang lugar na tinirhan ng mga tao.
Ayon kay Mayor Kokoy, magandang maipatupad ang nasabing pagkalap ng impormasyon para mas updated ang lungsod lalo na’t marami ring nagsulputang subdivision dito.
Ayon naman kay Cristina Bondoc, PopCom Region III Project Manager, mahirap kuhanan ng datos ang pag-migrate ng tao sapagkat wala pang mekanismo upang mabantayan ito.
Dagdag pa niya, pabago-bago o dynamic din ang paggalaw ng populasyon kung saan ay madalas labas-pasok ang tao sa isang lugar.
Gayunpaman, naniniwala si Vice Mayor Ali na magiging matagumpay pa rin ang programa lalo na kung pagtutulungan ito ng iba’t ibang sangay ng lokal na pamahalaan.
Samantala, ipinaalala naman ni Asst. Regional Director Andreal Denver Monterona ang kahalagahan ng pagkalap ng datos at pagsusuri nito.
Aniya, “With data, we can draw a scenario. With research, we can give it color”.