News »


Relief Operations sa mga apektadong lugar

Published: July 24, 2018 05:54 PM



Sinimulan noong Lunes at nagpatuloy ngayong araw ang relief operations sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng flash flood na dulot ng Habagat.

Inatasan ng Punong Lungsod ang iba’t ibang departamento na magtulong-tulong sa paghahanda at pamimigay ng relief goods sa mga residenteng nangangailangan nito, sa pamamagitan ng koordinasyon sa mga opisyal ng mga apektadong barangay.

Samantala, nakahanda namang tumugon ang Lokal na Pamahalaan sa iba pang mga barangay na nangangailangan ng relief goods.

Base sa guidelines ng DSWD at LDRRMO, prayoridad sa relief operations ang mga lugar kung saan may naganap na paglikas ng mga residente.