News »


Reorganized COVID-19 Task Force

Published: May 12, 2021 09:00 AM



Nagpulong nitong hapon, May 12, sa City Hall ang "reorganized COVID-19 Task Force" ng Lokal na Pamahalaan upang pag-usapan ang mga kinakailangang hakbang na makapagpapabilis at makapagsasaayos ng istratehiya ng lungsod sa pagresponde at pamamahala sa mga kaso ng COVID-19 dito. 

Itinalaga ni Punong Lungsod Kokoy Salvador si Dr. Rizza Esguerra, Rural Health Unit (RHU) III Physician, upang mamuno sa mga programa at plano ng lungsod na may kinalaman sa COVID-19, maliban sa pagbabakuna. 

Binigyang diin ni Mayor Kokoy na kailangang tutukan ng pansin ang mga bagay na may kinalaman sa pandemya at ang mabilis na pagkilos ukol dito. 

Inilhad naman ni Dr. Esguerra ang kahalagahan ng prevention, detection, management at integration sa COVID-19 response and management. Aniya, malaki ang maitutulong ng expanded testing upang mapigilan ang pagkalat ng sakit. 

Dagdag pa niya, hindi matatakot sumailalim sa testing ang mga taong may nararamdamang sintomas kung nakasisigurado silang maaalagaan silang mabuti sa pasilidad o sa kanilang sariling tahanan. 

Isinulong din ni Mayor Kokoy ang malaking pagbabago sa Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF) sa City High pagdating sa pag-aalaga sa mga pasyente.
Para masigurong walang magiging kumplikasyong sakit sa baga, ang pasyente ay kailangang dumaan muna sa assessment ng isang doktor at X-ray procedure bago manatili sa TTMF.