Responsableng Pagpapamilya, patuloy na isinusulong sa lungsod
Published: July 13, 2018 06:17 PM
Para sa mas maigting na kampanya ukol sa family planning sa lungsod, patuloy pa rin ang mga programa ng Lokal na Pamahalaan sa pagpapatupad ng mga aktibidad patungkol sa responsableng pagpapamilya.
Kamakailan, nagbigay ng comic books ang City Population Office sa DepEd Division Office para ilagay sa kanilang Library Hub at magsilbing babasahin ng mga estudyante.
Laman ng comic books ang maaaring maging bunga kapag hindi pinaplanong mabuti ang pagpapamilya at binibigyang diin din dito na ang responsableng pagpapamilya ay susi sa magandang bukas.
Ilan lamang ito sa maraming programa ng Lokal na Pamahalaan na naglalayong makatulong sa mga kabataan na magkaroon ng magandang kinabukasan.