News »


Ronda Pilipinas, mainit na sinalubong sa lungsod

Published: March 08, 2018 06:15 PM



Dumating kanina sa Lungsod San Jose ang inaabangang pinakamalaking cycling event sa bansa, ang Ronda Pilipinas, kung saan humigit kumulang sa isang daang siklista ang sinalubong ng mga cycling enthusiasts sa lungsod.

Tinahak ng mga siklista ang halos dalawang daang kilometro mula sa Echague, Isabela hanggang San Jose City para sa Stage 5 ng naturang kompetisyon.

Nagkaroon ng stage 5 awarding sa City Social Circle kung saan ang mga nanalo sa stage na ito ay nakatanggap ng mga pa-premyo mula sa major sponsor ng naturang palaro.

Ginawaran naman ng tropeo ng Ronda Pilipinas si Punong Lungsod Kokoy Salvador dahil sa mainit na pagtanggap at pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa kompetisyon.

Sa mensahe ni Mayor, sinabi niyang isang karangalan na maging parte ang Lungsod ng San Jose sa ruta ng Ronda Pilipinas.

Nagbigay kasiyahan naman sa mga dumalo sa programa si Ben Deatha na miyembro ng rap group na Salbakuta.

Taun-taong isinasagawa ang Ronda Pilipinas na na inoorganisa ng LBC Express katuwang ang iba pang sponsors ng naturang kompetisyon.

Bukas ay aarangkada mula sa Lungsod San Jose ang Stage 6 ng Ronda Pilipinas patungong Tarlac City.