COVID-19 Bulletin »


SA BAKUNA, PROTEKTADO KA!

Published: March 25, 2021 09:00 AM   |   Updated: June 08, 2021 03:05 PM



Umabot na sa 503 ang nabakunahan sa COVID-19 Vaccination Drive ng lungsod na sinimulan noong Lunes, Marso 22.

Sa unang araw ng pagbabakuna, 135 frontline health workers ng Ospital ng Lungsod ng San Jose (OLSJ) at Heart of Jesus Hospital (HJH) ang nabigyan ng AstraZeneca vaccine. 

Dumami ang bilang ng nagpabakuna sa sumunod na araw na umabot sa 160 at 208 naman ang kabuoang bilang ng nabakunahan sa ikatlong araw.

Muli namang nag-ikot kahapon (Marso 24) si Mayor Kokoy Salvador sa Pag-asa Sports Complex kung saan isinasagawa ang pagbabakuna para personal na kumustahin ang kondisyon ng mga nabakunahan.

Bukod sa OLSJ at HJH, nabigyan na rin ng bakuna ang iba pang health care workers. 

Kabilang dito ang mga kawani ng City Health Office (CHO), Rural Health Units (RHU), Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs), pati na ang mga City at Barangay Health Workers. 

Nagpapatuloy sa araw na ito ang pagbabakuna at maaaring magtagal hanggang bukas, Marso 26.