SAGIP 3121 - Bagyong Karen
Published: October 16, 2016 07:25 PM
Maagap na nagtulong-tulong ang iba't ibang sangay ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Kokoy Salvador sa rescue at relief operations na ginawa nitong araw, Oktubre 16, habang nararamdaman ang pinsalang dulot ng bagyong Karen sa iba't ibang lugar dito sa lungsod.
Sama-samang nag-responde ang Local Disaster Risk Reduction & Management Office, Philippine Army at Bureau of Fire Protection sa mga lugar na sinalanta ng bagyo, kung saan inilikas ang mga mamamayang naapektuhan ng baha patungo sa mga evacuation centers. Naging abala naman ang City Engineering sa pagsisimulang pag-ayos ng mga kalsada at lugar na sinalanta ng bagyo.
Personal na nakiisa si Mayor Kokoy Salvador sa isinagawang relief operations ng Office of the City Mayor at ng City Social Welfare Development Office. Inalam at kinumusta ng Punong Lungsod ang kalagayan ng mga taong apektado ng bagyo. Ang Mobile Kitchen ng City Coop ay naging abala rin sa pagpapakain sa mga taong inilikas sa ilang evacuation centers.
Samantala, opisyal nang idineklara na walang pasok ang lahat ng antas ng klase sa lungsod bukas, Oktubre 17.
Magpapatuloy naman ang isinasagawang damage assessment sa buong lungsod, kasama ang iba't ibang sangay ng lokal na pamahalaan. Magpapatuloy rin ang relief operations bukas.