San Jose City Day Celebration, Umarangkada sa Color Run
Published: August 09, 2017 03:12 PM
Naging makulay ang pagbubukas ng unang araw ng 48th San Jose City Day Celebration sa pamamagitan ng pagdaraos ng kauna-unahang Color Run sa lungsod.
Eksaktong 5:30 kaninang umaga nang simulan ang pagtakbo kung saan tinahak ng mahigit isang libong kalahok ang 3 kilometro na nag-umpisa sa City Social Circle paikot sa mga kalye ng Cervantes, Bonifacio, AO Pascual, Rizal, Ramos, Escobar at Maharlika Highway hanggang sa pagbalik muli sa City Social Circle.
Ang Color Run na mainit na inabangan ng mga kabataan ay naging matagumpay at lubos na naghatid ng saya sa mga kalahok na kinabibilangan ng iba’t ibang grupo kasama na rin ang mga guro, mga empleyado ng lokal na pamahalaan at marami pang iba. Ang mga nakatatanda ay hindi rin nagpatalo sa enerhiya ng mga kabataang tumakbo.
Maging ang Punong Lungsod Kokoy Salvador ay nakisali sa kasiyahan at nagbigay ng medalya sa mga napiling Most Colorful Runners, Most Colorful Couple, Most Colorful Barkada at Most Active Barkada.
(Ella Aiza D. Reyes)