San Jose City LGU Sportsfest 2022, nagbukas na
Published: September 08, 2022 09:00 AM
Dumagundong ang Pag-asa Sports Complex kahapon (Setyembre 7) sa muling pagbubukas ng San Jose City LGU Sportsfest.
Taong 2019 huling nakapagdaos ng Sportsfest ang lokal na pamahalaan dahil sa pandemya, kaya naman kinasabikan ang pagbabalik ng naturang aktibidad.
Bago simulan ang programa, nagparada muna mula sa City Hall ang mga empleado na hinati sa limang koponan, kabilang ang blue, green, red, white, at yellow team.
Kasama rin sa parada si Binibining Nueva Ecija 2022 Princes B. Lazaga, at rumampa sa Pag-asa Sports Complex para mabigyang inspirasyon ang mga kalahok sa Mister and Miss LGU Sportfest.
Kaugnay nito, itinanghal na Mr LGU Sportsfest 2022 ang pambato ng Blue Team na si Arnel Ramos at Miss LGU Sportsfest 2022 naman si Lorena Navas ng Green Team.
Kinaaliwan at kinagiliwan din ng mga manonood ang pasiklaban ng limang koponan sa TikTok Dance Competition, kung saan nagwagi ang Red Team.
Samantala, nagpahayag ng kanyang pasasalamat at pagbati si Sports Development Office OIC Engineer Esteban Valdez Jr sa mga nakiisa sa pagbubukas ng Sportsfest.
Nagpaalala naman sina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador na iba-iba man ang pangkat na kinabibilangan ng bawat opisina, ang naturang Sportsfest ay isang pagkakataon upang mas magkakilala ang bawat isa, at magbubuklod ito sa lahat para makapagbigay ng mas mahusay na serbisyo sa mga mamamayan ng Lungsod San Jose.
Sa ikalawang bahagi ng programa, sumabak sa unang laro sa Men's Basketball ang Blue at Red Team, habang ang Green at Yellow Team naman ang nagharap sa Women's Volleyball.
Panalo ang Blue Team sa basketball sa iskor na 58-52 at pinataob naman ng Green Team ang kalaban sa volleyball matapos ang dalawang set.