San Jose City, nakiisa sa selebrasyon ng Dental Health Month
Published: February 21, 2018 05:41 PM
Ipinagdiwang ng lungsod ang 14th National Dental Health Month ngayong buwan ng Pebrero na may temang “Ngiping Inaruga Mula Pagkabata, Malusog na Ngiti Baon sa Pagtanda.”
Sinimulan sa isang motorcade ang programa at itinuloy sa San Jose West Central School kung saan nabigyan ng libreng dental check-up ang halos 100 kinder pupils ng paaralan.
Itinuro dito ang tamang pangangalaga ng ngipin at bukod sa libreng toothbrush na ipinamahagi ng City Health Office, nagkaroon din ng fluoride varnish application para sa mga bata na pinagunahan ng Dental Department ng CHO.
Ipinaliwanag din sa mga bata na malaki ang naitutulong ng fluoride dahil kapag ang ngipin ay lumalaki, ito ay humahalo sa enamel (ang “hard coating” sa ating mga ngipin).
Ang naganap na aktibidad ay bahagi pa rin ng adbokasiya ni Mayor Kokoy Salvador na “Sa Bagong San Jose, Lahat ng Mamamayan ay may Kalusugan”.