San Jose City, Pinarangalan ng DILG
Published: February 27, 2018 04:31 PM
Dahil sa maigting na pagsunod sa mga alituntunin sa pangangalaga sa kalikasan at pagpapatupad nito, isa na namang karangalan ang naiuwi ng Lungsod San Jose mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa ginanap na Manila Bayani Awarding Ceremony.
Ito ang kauna-unahang parangal na tinanggap ng lungsod mula sa DILG bilang pagkilala sa mga Lokal na Pamahalaan na sumusunod sa mga alituntunin sang-ayon sa Republic Act 9003 “The Ecological Solid Waste Management Act of 2000” at pagsuporta sa Manila Bay Rehabilitation Program, kung saan pumangalawa ang lungsod sa tatlong siyudad na pumasa sa Regional Level Environmental Compliance Audit sa buong Region 3.
Bukod tanging ang San Jose City lamang ang nagkamit ng nasabing pagkilala sa buong lalawigan ng Nueva Ecija.
Dagdag pa rito, tumanggap rin ng cash incentive ang lungsod mula sa DILG.
Tinanggap nina Punong Lungsod Mario Salvador at City Environment & Natural Resources Officer Trina Cruz ang parangal kahapon, Pebrero 26, sa isang seremonya na ginanap sa Red Rickshaw Restaurant, Sindalan, City of San Fernando, Pampanga.
Buo rin ang suporta ni DILG San Jose City Director Rowena Adriano at ng ilang konsehal ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng Chairman ng Committee on Environment na si Councilor Jennifer Salvador at miyembrong si Councilor Ryan Niño Laureta na dumalo rin sa nasabing programa.
Ayon kay Mayor Kokoy, mas paiigtingin pa ang pagpapatupad ng mga batas sa pangangalaga sa kalikasan para sa ikabubuti ng mga mamamayan ng San Jose at sa kapakanan ng mga susunod pang henerasyon.