News »


School heads, nakatanggap ng laptops

Published: August 19, 2020 12:00 AM



Ipinamahagi na ng DepEd Division Office ang mga laptop na suporta sa mga paaralan nitong Martes, Agosto 18, sa isang turn-over ceremony na ginanap sa San Jose West Central School.

Gagamitin ng school heads ang mga laptop para sa online classes at paggawa ng modular learning materials para sa "New Normal Learning" ng mga estudyanteng nasa pam-publikong paaralan. Ito ay hindi para sa kanilang personal na gamit kundi para sa pagtuturo lamang.
Pinondohan ng Lokal na Pamahalaan ang proyektong ito mula sa Special Education Fund. Ayon kay Division Superintendent Johanna Gervacio, sa buong Nueva Ecija ay tanging sa Lungsod San Jose lamang may ganitong ayuda para sa mga school heads. 

Idinagdag din ng Division Superintendent na patuloy ang paghahanda ng mga guro para sa challenges na kinakaharap nila sa darating na school year. 

Naunang inanunsyo ng Department of Education na magbubukas ang klase sa Agosto 24, subalit kamakailan ay nabago ang schedule at sinabi ng kagawaran na sa Oktubre na magsisimula ang klase sa mga pampublikong paaralan.

Ayon sa Punong Lungsod Kokoy Salvador, ang safety ng mga mag-aaral pa rin ang dapat unang isaalang-alang kasabay ng kanilang patuloy na edukasyon.