SDG-FACES Project Beneficiaries, nanumpa
Published: January 30, 2018 02:08 PM
Nanumpa ng kanilang Pledge of Commitment ang mga benepisyaryo ng SDG-FACES (Sustainable Development Goals – Family-based Actions for Children and their Environs in the Slums) Project sa pangunguna ni Punong Lungsod Kokoy Salvador na ginanap sa City Hall Conference Room kahapon (Jan. 29).
Ang SDG-FACES ay isang proyekto ng DILG sa pakikipagtulungan sa mga piling LGU at ito ay nakatuon sa pagpapalakas sa mga ina at kababaihang nagsisilbing puno ng kanilang tahanang matatagpuan sa mga “slums” upang pangunahan ang Family SDG covenant.
Base sa isinagawang survey ng DSWD, masusing napili ang mga benepisyaryo na tinurang “poorest of the poor” sa urban area ng lungsod.
Pasok sa kwalipikasyon ang mga residenteng walang sariling tirahan o informal settlers, low income earners at non-4P’s members.
40 pamilya mula sa Zone 3, Brgy. Calaocan ang mga napiling benepisyaryo ngayong taon.
Ayon kay Economist II Virginia Quiñones, ang proyekto ay naglalayong mapaunlad ang buhay at matugunan ang mga pangangailangan ng mga naturang residente lalo na ng mga kabataan hindi lamang sa kasalukuyan, ngunit para rin sa mga henerasyong darating.
Dagdag pa ni Quiñones, naglaan ang DILG-LGA (Local Government Academy) ng pondo na magsisilbing mobilization fund ng SDG-FACES Project.
Kaugnay nito, tungkuliln ng Lokal na Pamahalaan ang pagpapatupad ng mga patakaran at paniniguro sa layunin ng proyekto sa pamamagitan ng pagsasagawa at pagpapatuloy ng mga programang tutugon sa wastong nutrisyon, edukasyon, at marami pang iba.
(Rozz Rubio)