Selebrasyon ng Women's Month sa Lungsod
Published: March 11, 2018 04:29 PM
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Women’s Month ngayong taon, iba’t ibang aktibidad ang inilunsad ng lokal na pamahalaan para sa mga kababaihan sa lungsod.
Isa na rito ang isinagawang Financial and Organizational Planning Seminar for Women Empowerment and Basic Women Leadership Orientation noong Marso 6- 8 na dinaluhan ng mga miyembro ng Sama Ka Na Mare at Damayan.
Tinalakay dito ang mga paraan para mas maging organisado at maayos ang pamamahala ng kanilang samahan, tamang pagpaplano at mga katangian ng isang magaling na leader.
Samantala, nakiisa naman noong Biyernes, March 9, sa PAG-ASA Sports Complex ang iba pang mga grupo ng kababaihan ng W. Besso, Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI), 4Ps, Soroptimist International, Day Care Workers at iba pa bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Women’s Month na may temang “We Make Change Work for Women”.
Dumalo sa nasabing programa si Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Glenda Macadangdang at ilan sa mga Konsehal ng lungsod kung saan ipinaabot nila ang kanilang pagbati sa mga kababaihan at suporta sa adhikain ng kanilang mga organisasyon.
Sa mensahe ni Punong Lungsod Kokoy Salvador, layunin ng pagdiriwang na iparamdam sa mga kababaihan ang pagpapahalaga ng lokal na pamahalaan sa kanila. Dagdag pa niya, bilib siya sa mga mga ito dahil aktibo sila sa mga aktibidad na naglalayong makatulong sa pagpapaunlad ng San Jose.
Pinangunahan ng City Social Welfare Development Office ang naturang programa katuwang ang Tanggapan ng Punong Lungsod.