News »


Seminar sa Mga Polisiya sa Paggamit ng Pondo ng Pamahalaan para sa mga Indigenous People

Published: May 17, 2023 03:24 PM



Nagsasagawa ngayon (Mayo 17) ng seminar tungkol sa mga polisiya sa paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa mga Indigenous People (IP).

Kabilang sa mga tinalakay rito ni City Budget Officer Cyrus Wilson Vizcarra ang paggawa ng Project Proposal at Financial Plan, habang itinuro naman ni City Accountant Frediz Daquila ang Basic Bookkeeping sa unang araw ng pagsasanay.

Dagdag pa rito, nagbigay ng update si Indigenous People Mandatory Representative (IPMR) Lucia Naboye ukol sa kanyang mga isinumiteng panukala sa Sangguniang Panlungsod.

Kinumusta rin ni Mayor Kokoy Salvador ang mahigit 30 IP na lumahok sa pagsasanay na idinaos sa Learning and Development Room sa City Hall.

Samantala, inaasahan namang talakayin bukas (Mayo 18) ang Republic Act No. 8371 o Indigenous People’s Rights Act (IPRA) na pangungunahan ng mga Legal Consultant mula sa National Commission on Indigenous People (NCIP) Regional at Provincial Office.

Pag-uusapan din sa ikalawang araw ng seminar ang mga tungkulin ng IP at IP Leaders na ipapaliwanag ng kinatawan ng NCIP Provincial Office.