Sertipiko ng Pagkilala mula sa DOH-CLCHD
Published: November 23, 2020 12:00 AM
Tumanggap ng Sertipiko ng Pagkilala ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose mula sa Department of Health - Central Luzon Center for Health Development nitong ika-20 ng Nobyembre dahil sa matagumpay na pagpapatupad ng "Sabayang Patak Kontra Polio" campaign sa lungsod na isinagawa noong buwan ng Hulyo at Setyembre.
Sa Round 1 ng vaccination, 13,838 na batang nasa edad 0-59 buwan ang nabakunahan, habang sa Round 2 naman ay umabot ito sa 15,332.
Nakapagtala ng 82% accomplishment sa target na 16,897 sa unang round, at tumaas naman ito sa 91% sa pangalawang round.
Nagsilbing National Immunization Program Coordinator si Ms Mariliyn Ong, Nurse II ng City Health Office.
Ang huling kaso ng poliovirus sa Pilipinas ay naitala noong taong 1993, habang ang "total eradication" ng sakit sa bansa ay idineklara noong 2000.
Sept 19, 2019 nang mag-deklara ng polio outbreak sa Pilipinas ang Department of Health, na kaagad namang tinugunan ng malawakang vaccination program sa pagtutulungan ng iba't ibang sektor.