News »


SFW Program MOU Signing

Published: March 10, 2023 04:00 PM



Pormal nang nilagdaan kahapon (Marso 9) nina Mayor Kokoy Salvador at Mayor Young-jae Shin ng Hongcheon-Gun, Gangwon Province, South Korea ang Memorandum of Understanding (MOU) hinggil sa Seasonal Farm Workers (SFW) Program na inilunsad sa lungsod.

Naganap ang nasabing pirmahan sa Learning and Development Room sa munisipyo, kasama ang iba pang delegado mula sa Hongcheon-Gun.

Inilunsad noong Nobyembre 2022 ang SFW program sa lungsod sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO).

Kaugnay nito, nagpasalamat sina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador sa pagtanggap ng Hongcheon-gun sa 197 farm workers mula sa San Jose.

Anila, malaking tulong ang nasabing programa hindi lang sa mga napiling SFW kundi pati na rin sa ekonomiya ng bansa, lalo na sa lungsod.

Tiniyak din ni Vice Mayor Ali na sadyang masipag at matiyaga ang mga Pilipino kaya hinding-hindi sila magsisisi sa patanggap sa mga ito.

Samantala, sinabi naman ni Mayor Young-jae at mga kasamang delegado na inaasahasan nilang magiging daan ang nasabing programa upang mas lumakas ang relasyon sa pagitan ng kanilang lungsod at Lungsod San Jose.

Dagdag pa niya, tiwala siya sa kalidad ng mga manggagawa mula sa Pilipinas.

Matapos ang nasabing programa sa City Hall ay ipinasyal ang mga bisita sa Vegetable Derby sa Porais at sa Tayabo Nature Park.