SIKKAP San Jose Ampalaya Consolidation Building, pinasinayaan
Published: February 01, 2018 02:22 PM
Sa kabila ng mapait na lasa ng ampalaya, hatid naman nito'y matamis na ngiti para sa mga magsasakang kasapi sa SIKKAP matapos maisakatuparan ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling gusali.
Binasbasan at pinasinayaan kahapon (Enero 31) ang bagong Ampalaya Consolidation Building sa Porais, na naglalayong maisaayos ang pag-aani at pag-iimpake ng mga na-aning ampalaya mula sa bukirin patungo sa bayan o bagsakan.
Ang Ampalaya Consolidation Building ay proyekto ng IREAP-CIVIL WORKS na pinondohan ng World Bank sa tulong ng Dept. of Agriculture, Provincial Agriculture, at Provincial Government ng Nueva Ecija.
Bukod sa bagong gusali, nagbigay naman ang probinsya ng mga kagamitan na makatutulong sa pagre-repack ng mga gulay gaya ng timbangan, plastic pallet, industrial fan, plastic crates, at inaasahan din ang dalawang elf truck na ibibigay pa rin ng provincial government.
Lubos naman ang pasasalamat ng SIKKAP sa suportang natatanggap nila mula sa pamahalaan.
Ayon naman kay City Agriculturist Violeta Vargas, tuloy-tuloy ang suporta ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Punong Lungsod Kokoy Salvador sa mga programa ng SIKKAP upang matulungan sila na tumaas ang kita.
Ilan sa mga dumalo sa pagtitipon sina Provincial Agriculturist Serafin S. Santos, PRDP Regional Technical Director Crispulo Bautista Jr., City Councilor and Committee on Agriculture Chairman Wilfredo “Amang” Munsayac, City Agriculturist Violeta Vargas, ilang kinatawan mula sa kapitolyo at mga miyembro ng mga kooperatibang bumubuo sa SIKKAP. Ito ay ang Simula ng Panibagong Bukas Multi-Purpose Cooperative (SIPBU), Kapisanan ng mga Babae na Nagtatanim ng Gulay atbp. Producers Cooperative (KABANGA), at Kapisungan Producers Cooperative (KAPISUCO).
(Ella Aiza D. Reyes)