Simultaneous Clean-up Drive | 17 September 2016
Published: September 20, 2016 08:10 AM
Nagtulong-tulong ang mga San Josenians sa paglilinis sa 38 barangay sa lungsod nitong nakaraang Sabado (Setyembre 17), bilang bahagi ng National Clean-up Day na may temang “Bayan Ko, Linis Ko”.
Maliban sa layunin nitong mapanatili ang kalinisan sa lungsod, layuinin din nitong mapaigting ang kampanya sa proper waste segregation.
Kabilang sa mga nakipagkaisa sa nasabing aktibidad ang mga Barangay Officials, mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI), Kalikasan Volunteers, Senior Citizens, mga miyembro ng Sama ka na Mare, mga kawani ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) na syang nanguna sa gawain, at iba pang volunteers mula sa lungsod.
Ito’y bahagi pa rin ng adbokasiya ng ating butihing Punong Lungsod na “Sa Bagong San Jose, Lahat ng Mamamayan ay may K”, kung saan ang K sa puntong ito ay kumakatawan sa Kalinisan.