Siyam na ambulansya, pormal nang tinanggap ng mga barangay
Published: August 24, 2018 05:13 PM
Kasabay ng nakaraang pagdiriwang ng 49th San Jose City Day ay binasbasan na rin ang siyam na ambulansya/ rescue vehicle na magbibigay ng serbisyo sa mga barangay Abar 1st, Abar 2nd, A. Pascual, Kaliwanagan, Kita-Kita, Manicla, Pinili, Porais, at Tondod.
Isang envelope na naglalaman ng mga dokumento tulad ng ORCR at insurance ng mga ipinamigay na ambulansya ang tinanggap ng mga punong barangay mula sa Punong Lungsod kasama ang iba pang opisyal ng Lokal na Pamahalaan.
Ang pagbibigay ng ambulansya sa mga barangay ay bilang suporta ng Lokal na Pamahalaan sa mga komunidad na higit na nangangailangan nito.
Pagsisikapan na ang iba pang mga barangay ay mabigyan din ng rescue vehicle.