News »


Special Home Study Batch 5, nagtapos

Published: June 19, 2017 12:45 PM



Pormal nang nagtapos ang 13 special children na kabilang sa ikalimang batch ng Special Home Study na bahagi ng programang Hatid Dunong Part IV ng Panlungsod na Aklatan (City Library). Nagsilbing guro sa Special Home Study ang mga kawani ng City Library, kung saan anim na buwan silang nagturo sa mga bata ng alpabeto, pagguhit at pagsulat.

Nagkaroon din ng storytelling at film showing ng educational cartoon movies. Kaugnay nito, ipinaabot ni City Mayor Kokoy Salvador ang kanyang pagbati sa pamamagitan ni Executive Asst. IV Marionito Torres na kasama rin nina Vice Mayor Glenda F. Macadangdang at City Librarian Helen Ercilla sa paggawad ng Certificate of Participation at ilang regalo para sa mga batang nagsipagtapos.

Pinagkalooban din ng libreng wheelchair ang isang bata na handog naman ng lokal na pamahalaan. Ginanap ang graduation ceremony nitong Hunyo 15 sa McDonald’s at aasahan naman ang pagbubukas ng susunod na batch sa susunod na buwan. - Ella Aiza D. Reyes