News »


SPES Payout

Published: October 13, 2022 04:49 PM



Natanggap na ng 44 na benepisyaryo ng unang batch ng Special Program for Employment of Students (SPES) ang natitirang 40% ng kanilang suweldo mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), matapos magtrabaho ng 20 araw sa iba’t ibang ahensiya at opisina ng lokal na pamahalaan.

Pinangunahan ng Public Employment Service Office (PESO), kasama si Estrella de Lara ng DOLE – Cabanatuan ang pamamahagi nitong umaga (Oktubre 13) sa OCM Conference Room.

Binisita at binati rin nina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at ilang konsehal ang mga estudyante.

Hinikayat pa ni Vice Mayor Ali ang mga kabataang naroon na nawa’y balang araw magkaroon din sila ng interes sa pagseserbisyo sa publiko.

Samantala, nauna nang ipinagkaloob sa pangkat na ito ang 60% ng kanilang sahod mula naman sa LGU nooong nakaraang Hulyo.

Mayroon pang dalawang batch ng SPES beneficiaries ang tatanggap ng kanilang suweldo sa mga susunod na buwan.