Pagibang Damara Festival 2024 »
Street Concert with Rico Blanco, I Belong to the Zoo and Cup of Joe #PagibangDamaraFestival
Published: April 23, 2024 05:00 AM | Updated: May 29, 2024 03:36 PM
Matagumpay na nagtapos ang selebrasyon ng Pagibang Damara Festival 2024 nitong Linggo, Abril 21 sa isang Street Concert sa Public Market kasama sina Rico Blanco, I Belong to the Zoo at Cup of Joe.
Naki-jamming din dito si Vice Mayor Ali Salvador na nagpakita ng talento sa pag-drums kasama ang KsAli All Band na nagtanghal bilang front act.
Hindi naman magkamayaw sa hiyawan at palakpakan ang mga dumagsa sa concert nang ipakilala ni Mayor Kokoy Salvador ang kilalang mang-aawit na si Rico Blanco.
Hindi rin binigo ni "Korics" ang mga manonood sa kanyang solid performance na umabot ng isang oras at sinabayan siya sa pagkanta ng mga sikat na awiting 'Antukin', 'Elesi', 'Liwanag sa Dilim', at "You'll Be Safe Here".
Ipinahayag naman ni "Korics" sa kanyang official Facebook page ang kanyang saya sa pagtugtog sa San Jose City.
Ipinost din niya ang ilang larawan ng kanyang paglilibot sa palengke at pagkain ng pansit kanin dito.