Pagibang Damara Festival 2024 »


Street Dancing Competition #PagibangDamaraFestival

Published: April 22, 2024 04:00 AM   |   Updated: May 29, 2024 03:36 PM



Nagbabalik sa taong ito ang Street Dancing Competition sa Pagibang Damara Festival makalipas ang apat na taon.

Ayon kay Mayor Salvador, talagang na-'miss ng lahat ang naturang kaganapan tuwing piyesta kaya naman lubos ang kanyang pasasalamat sa mga estudyante at guro na sumali.

Hindi naman binigo ng siyam na high school na kalahok ang mga manonood sa ipinakita nilang husay at talento, suot ang makulay at malikhaing costume at props.

Dinagsa ang mga kalye at palengke nitong Biyernes (April 19) para panoorin ang mga street dancer na sumayaw mula City Social Circle papuntang Public Market, kung saan ipinamalas nila ang kanilang nakaaaliw na presentasyon.

Kaugnay nito, naidepensa ng Caanawan National High School ang kanilang kampeonato at nagwagi rin bilang Best in Costume.

Nakuha naman ng San Jose City National High School ang ikalawang puwesto, at sinundan ng Tayabo National High School.