Street Food Vendors sa Lungsod, Nag-level-up sa Kalinisan!
Published: October 27, 2016 05:03 PM
Namigay ng mga apron at sumbrero si Mayor Mario O. Salvador at Market Chief Maria Caridad Barlaan sa mga vendors bilang bahagi ng paglalayong maging mas malinis at mas maayos ang mga tindero’t tindera ng street foods sa lungsod. Sa mga susunod na araw ay oobligahin na rin silang magsuot ng hairnet bilang bahagi rin ng pagbabagong bihis-linis ng mga vendors. Ito ang ilan sa mga naganap sa paglulunsad ng Street Foods Caravan at Oath-taking ng Street Food Vendors Association sa Public Market kahapon, Oktubre 26.
Bilang panauhing pandangal, nagbigay ng mensahe ang Punong Lungsod sa mga street vendors at officers at hinikayat niya ang mga ito na maging malinis at presentable upang ang kanilang maliit na negosyo ay umunlad. Aniya, ang mga mamimili ay mas maeengganyong tangkilikin ang kanilang mga produkto kung malinis ang presentasyon nito, pati na ang mga nagtitinda.
Nangako ang Punong Lungsod na aayusin ang puwesto sa kahabaan ng Rizal Street sa lalong madaling panahon kung saan ito ay magiging permanenteng puwesto ng mga street food vendors.
Nagtapos ang nasabing programa sa pagpapakilala sa mga bagong halal na opisyales ng Street Food Vendors Association at pagsasalo-salo ng mga dumalo sa inihandang lugaw at mga inihaw.
(Melody Z. Bartolome)