Student Leaders, Bida sa Youth Camp
Published: September 26, 2017 05:14 PM
Hindi lahat ng natututunan ay nasa apat na sulok ng paaralan, kaya naman time-out muna sa eskwela ang ilang kabataan para lumahok sa Youth Camp nitong Setyembre 18-19 sa Knights of Columbus (KC) Club House, bilang bahagi ng selebrasyon ng City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) Week.
Sinalihan ito ng 289 kabataan na pawang mga kasapi ng Supreme Student Government (SSG) at School Anti-Drug Abuse Council (SADAC) mula sa 17 high schools sa lungsod.
Inorganisa ng Community Affairs Office ang naturang Youth Camp katuwang ang DepEd San Jose, at isa sa mga aktibidad dito sa unang araw ay Seminar/Workshop on Values Formation and Leadership kung saan nagsilbing panauhing tagapagsalita si Presidential Management Staff Lady Hanifah R. Mindalano ng Office of the President.
Sinalubong naman ng mga kabataan ang ikalawang araw ng Youth Camp sa pamamagitan ng Zumba na sinundan ng larong Amazing Race upang lalong mapagtibay ang samahan ng mga kalahok na kabataan.
Ilan sa mga naging paksa sa nasabing aktibidad ay ang masamang dulot ng bawal na gamot sa kanilang kalusugan, kontribusyon ng mga kabataan sa pangangalaga sa kalikasan, pagiging mabuting lider, at iba pang gawaing pang-ispirituwal, pang-makabayan at pakikipagkawang-gawa.
Nagbigay suporta rin si Punong Lungsod Kokoy Salvador na bumisita sa naturang Youth Camp. Binigyang-diin niya sa kanyang mensahe ang napapanahong isyu tungkol sa droga na nilalabanan ng kapulisan at maigting na sinusuportahan ng Lokal na Pamahalaan. Ipinaliwanag ni Mayor ang masamang dulot ng droga sa kanilang katawan at pag-iisip na maaring makasira sa kanilang buhay, kaya aniya, huwag nilang hahayaang maligaw ng landas at piliing maging isang mabuting ehemplong kabataan.