Symposium tungkol sa usaping pang-Kalusugan, matagumpay
Published: August 13, 2018 04:59 PM
Idinaos ang “Symposium on Health Programs, Turn-Over and Ribbon-Cutting of New Health Facilities and Awarding of Health Workers” noong Sabado, Agosto 11, sa PAG-ASA Sports Complex bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng 49th San Jose City Day.
Dinaluhan ang nabanggit na pagtitipon ng mga Barangay Health Workers (BHW), City Health Workers (CHW), Regional Health Workers (RHW), at mga opisyales ng City Health Office (CHO).
Tampok na tagapagsalita si Sen. JV Ejercito, Chairman of Senate Committee on Health & Demography, sa naturang pagtitipon. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya ang isinusulong na Senate Bill na “Universal Healthcare for All Filipinos” na makapagbibigay ng mas malawig na benepisyo sa mga mamamayan at health workers sa bansa, magpapapabilis ng serbisyo, at mag-aangat ng estado sa pangkalahatang bagay tungkol sa kalusugan.
Nagbigay naman ng pagsuporta si Mayor Kokoy Salvador sa mga bagay na binanggit ni Ejercito. Nagbigay din ng mensahe sa okasyon si Congresswoman Micaela S. Violago at iba pang opisyal ng Lokal na Pamahalaan.
Tinalakay sa naturang symposium ang mahahalagang bagay patungkol sa health services sa lungsod. Bukod dito, pinarangalan at kinilala rin ang mga natatanging health workers at health units. Isinagawa rin ang ribbon-cutting para sa mga dagdag serbisyo ng CHO gaya ng mga bagong Rural Health Units at Bottoms-Up Budgeting (BUB) toilet facilities.
Ginawaran ng parangal si Ms. Roselle V. Carrasco bilang Outstanding City Health Worker. Si Ms. Sharon Del Rosario Besarra naman ang hinirang bilang Most Outstanding Community Health Worker.
Maging ang mga barangay na nagsusulong ng programa tungkol sa kalusugan ay pinarangalan din. Hinirang na Best Barangay Herbal Garden ang mga barangay ng Palestina, Sto. Nino 1st, at Pinili. Tumanggap din ng award para sa Best Community Garden ang mga barangay ng Palestina, Kita-Kita, at San Juan.
Ibinigay din sa araw na iyon ang simbolikong susi ng bagong Rural Health Unit sa Brgy. Kita-Kita at mga Barangay Health Stations sa Tabulac, Parang Mangga, Sto. Nino 2nd, at Villa Joson.
(Ramil D. Rosete)