News »


Tamang pag-aalaga at pagpaparami ng kuneho, pinag-aralan

Published: July 12, 2018 05:33 PM



Isang seminar ang isinagawa nitong Miyerkules, Hulyo 11, tungkol sa pag-aalaga ng kuneho ng Jabez Marketing Cooperative sa pangunguna ni George Natividad.

Dinaluhan ito ng higit kumulang sa singkwenta katao na pawang 4P’s parent leaders.

Ilan sa mga tinalakay ay kung paano maaaring maging kabuhayan ang pag-aalaga ng mga kuneho; mula sa paggawa ng kulungan, inuman at kainan hanggang sa kung paano pararamihin ang mga ito.

Ayon sa ilang eksperto, ang karne ng kuneho ay masarap, masustansiya at mayaman din sa protina kumpara sa mga karne ng baboy at manok. Sa ibang bansa, itinuturing na “premium meat” ang laman ng kuneho.

Mapapakinabangan din ang dumi ng kuneho dahil bukod sa wala itong amoy kapag tuyo, nagtataglay din ito ng nitrogen at phosphorous, at pwede ring gawing potash fertilizer.

Ang balahibo nito ay naibebenta rin bilang materyales sa paggawa ng luxury fashion goods.

Ngayong Huwebes ay nasa Pinili Rabbit Farm ang mga parent leaders kasama ang kinatawan ng Jabez Marketing Cooperative upang magsagawa ng site visit.

Ang training seminar for propagation & raising rabbits ay isa sa mga proyekto ng Bagong San Jose at kabilang sa adbokasiya ni Mayor Kokoy na “kabuhayan” para sa mga 4P’s parent leaders.