News »


Tamang pagtatanim, itinuro sa mga magsasaka

Published: September 05, 2017 06:19 PM



Sumalang sa dalawang araw na pagsasanay ang 32 magsasaka sa lungsod nitong Lunes at Martes sa DA Demo Farm Malasin.

Nagsilbing tagapagsalita si GAP National Inspector Angel S. Tulabot sa “Training Course on Good Agricultural Practices (G-A-P) for Fruits and Vegetables”.

Sa nasabing pagsasanay, nagkaroon ng Lecture & Discussion at Open Forum kung saan nagbahagi sila ng kani-kanilang kaalaman, gayundin ng isang Actual Field Inspection na pinangunahan ng City Agriculture Office at City Development Cooperative Office.

Kaugnay nito namahagi naman si Punong lungsod Kokoy Salvador ng mga buto ng gulay sa mga magsasaka mula sa Villa Floresta.

Nagpasalamat ang mga magsasaka sa isinagawang pagsasanay dahil malaki ang natutunan nila ukol sa tamang pagtatanim.

(Ella Aiza D. Reyes)