Task Force Lawin
Published: October 20, 2016 06:32 PM
Bagama’t walang naging malaking pinsala ang pagdaan ng Bagyong Lawin sa lungsod, nagtuloy-tuloy ang pagkilos ng lokal na pamahalaan nitong araw upang agad na maibigay ang pangangailangan ng mga taong bahagyang naapektuhan, gayundin ang pagsasaayos ng mga lugar at paglilinis ng mga kalat na iniwan ng bagyo.
Kagabi, sa kasagsagan ng hangin at ulan kung saan ilang pamilya ang maagap na lumikas patungo sa PAG-ASA gym, agad na tumugon ang lokal na pamahalaan sa pangunahing pangangailangan ng mga naroon. Naobserbahan din na naging epektibo ang panawagang isinagawa sa mga residente ng bahaing lugar tungkol sa maagang paglikas.
Naging abala ang SAGIP 3121 team kagabi sa pag-iikot sa mga lugar na kadalasang bumabaha, habang ang City Social Welfare Development (CSWD) Office naman ay mabilis na nagbigay ng mga pagkain at relief packs sa evacuees.
Nitong araw naman, maaga pa lamang ay nag-ikot na ang Punong Lungsod Mayor Kokoy Salvador upang personal na malaman kung may napinsala ang bagyo at makita ang mga taong dapat abutan ng tulong. Inatasan din niya ang mga ahensya tulad ng CSWD na magpatuloy sa pamimigay ng relief packs sa mga kababayang nangangailangan nito, at ang City Health Office sa pagbibigay ng atensyong medikal.
Nagtulong naman ang City Engineering at City Environment & Natural Resources Office (CENRO) sa pagsasaayos ng mga nakatumbang puno at paglilinis sa mga kalsada.