News »


Tatlong paaralan, nabigyan ng bagong TV

Published: August 30, 2018 04:38 PM



Mapalad na tumanggap ng tig-isang 50-inch LED TV ang Sto. Niņo Ciriaco-Esteban Elementary School at Sto. Niņo 2nd Elementary School noong Agosto 15.

Ang mga ito ay personal na handog ng Punong Lungsod Kokoy Salvador at galing mismo sa kaniyang personal na sweldo.

Buong pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ng pamunuan ng paaralan kasama ang Parents-Teachers Association kay Punong Lungsod Kokoy Salvador at nangakong iingatan ang nasabing telebisyon na pakikinabangan ng mga mag-aaral.

Samantala, apat na tig-29 inch-TV naman ang personal ding inihandog sa San Agustin Elementary School noong Agosto 20. Dalawa rito ay galing pa rin sa personal na sweldo ng Punong Lungsod, habang ang dalawa naman ay mula sa donor na si Ms. Lorilyn Takahashi ng NPO JAPPHIL Philippine Scholarship Association.

Pakiusap naman ng Punong Lungsod na ingatan ang mga telebisyon upang mas matagal na mapakinabangan ng mga mag-aaral para sa kanilang edukasyon.