TEAM LAGING HANDA
Published: November 11, 2020 12:00 AM
Sinigurado ng City Disaster Reduction & Management Council sa pangunguna ng Punong Lungsod Kokoy Salvador at CDRRM Officer Amor Cabico ang kahandaan sa #BagyongUlysses nitong hapon matapos ilagay sa Signal #3 ang lalawigan ng Nueva Ecija.
Nakahanda ang mga truck ng City Engineering Office, CENRO, at iba pang kagamitan ng Lokal na Pamahalaan para sa pag-responde sa emergency situations na maaaring idulot ng bagyo.