Ten Outstanding Women of San Jose City 2023
Published: March 24, 2023 02:55 PM
Kinilala ang 10 natatanging kababaihan sa lungsod sa ginanap na Ten Outstanding Women (TOW) of San Jose City Awards Nights nitong ika-23 ng Marso sa Le Felize Victoria Events Center, Barangay Sibut.
Kabilang sa mga pinarangalan sa iba’t ibang larangan ang mga sumusunod:
1. Agriculture: Zoraida P. Micua
2. Business: Maria Eden B. Salonga
3. Education: Jocelyn T. Leonardo, PhD
4. Public Service: Lorna B. Patriarca, PhD
5. Community Development: Nancy R. Mulles
6. Labor: Evelyn E. Marquez. PhD
7. Culture, Arts, and Sports: Hon. Lucia L. Naboye
8. Health: Dominga S. Mayoc
9. Small and Medium Entrepreneur: Ana Catalina P. Trinidad
10. Law/Law Enforcement: PSSg. Liezel A. Manangkil
Napili ang mga nabanggit na TOW batay sa mga isinumiteng nominasyon sa lokal na pamahalaan nitong Pebrero at sinuri ng itinalagang screening committee batay sa kanilang naging serbisyo at kontribusyon sa komunidad; kahusayan sa kanilang piling larangan; kakayahan sa pamumuno; at kagandahang loob.
Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador, kasama sina Vice Mayor Ali Salvador at City Councilor Patrixie Salvador-Garcia ang paggawad ng parangal at papremyo sa mga nagwagi.
Ipinahayag din ni Mayor Kokoy ang pagbati at pagpupugay sa mga kababaihan. Aniya, marapat lamang na sila ay pahalagahan at igalang.
Dagdag pa rito, ibinahagi ng Punong Lungsod ang plano ng lokal na pamahalaan na magkaroon din ng katulad na selebrasyon para sa mga kalalakihan.
Idinaos ang programang Ten Outstanding Women of San Jose City sa pangunguna ng Tanggapan ng Punong Lungsod at Tanggapan ng Pantauhang Panlungsod bilang pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Kababaihan ngayong Marso na may tema sa taong ito hanggang 2028 na “WE for gender equality and inclusive society”.