News »


TESDA Courses sa San Jose, dadami na!

Published: November 23, 2016 09:23 AM



Naaprubahan na ang ordinansa bilang16-216-A o ang ordinansang nagsasaad na madagdagan ang mga kursong iaalok sa San Jose City Skills Training Center.

Kabilang sa mga bagong kursong ito ang Shielded Metal Arc (NC II), Heavy Equipment operation including Hydraulic Excavator (NC II), Backhoe Loader (NCII), Motor Grader (NC II), Pipefitting (NC II), Agricultural courses at iba pang practical courses.

Sa naganap na sesyon nitong Lunes (Nobyembre 21), ipinaliwanang ni Executive Assistant V Cesar “Sandy” Cervantes na malaking tulong ito sa mga nagnanais na kumuha ng vocational courses. Lahat aniya ng mga kurso sa ilalim ng Training Center ay accredited ng TESDA.

Ito ay bahagi ng adbokasiya ng administrasyon ni Mayor Kokoy Salvador na palakasin ang technical training sa lungsod upang mabigyan ng pagkakataong maging "skilled" ang mga estudyanteng walang kakayahang makapagtapos ng kurso sa unibersidad.

Ang sinumang graduate at certified ng TESDA ay naituturing na skilled worker, at maraming naghihintay na oportunidad at trabaho para sa kanila, lalo na sa ibang bansa.

Kabilang sa mga bumotong konsehal para maaprubahan ang naturang ordinansa sina Konsehal Atty. Jose Felimon, Atty. Ronald Lee Hortizuela, Patrixie Salvador, Roy Andres at Jennifer Salvador. (Ella Aiza D. Reyes)