News »


The Challenge Initiative (TCI)

Published: September 29, 2021 03:00 PM



Inilunsad ngayong araw, Setyembre 29, ang The Challenge Initiative (TCI) sa Lungsod San Jose na isang programa upang tugunan ang tumataas na kaso ng teenage pregnancies sa bansa.

Layunin din ng programa na makapagbigay ng impormasyon at serbisyo ukol sa adolescent and youth sexual and reproductive health (AYSRH) sa mga komunidad.
Sa pamamagitan ng TCI, hinihikayat ang mga siyudad na magtatag ng adolescent at youth-friendly cities para mabawasan ang maagang pagbubuntis at maprotektahan ang mga kabataan sa hindi mabuting epekto nito.

Ang TCI sa Pilipinas ay pinamamahalaan ng Bill and Melinda Gates Institute for Population and Reproductive Health (Gates Institute) at Zuellig Family Foundation (ZFF)ZFF, sa pakikipagtulungan ng Commission on Population and Development (POPCOM).

Bukod sa paglulunsad ng TCI sa lungsod na tinawag na ‘City Summit’ nitong umaga sa Hotel Francesko, isinagawa rin ang paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador at ng kinatawan ng ZFF, POPCOM Region III, at Department of Health (DOH) Region III.

Kaugnay nito, sinimulan din ngayong araw ang Program Design Workshop para sa mga miyembro ng City Implementation Team ng lungsod para sa TCI upang mabigyan sila ng sapat na kaalaman, patnubay at technical assistance sa paggawa ng mga programang angkop sa mga kabataan.