News »


Tindahan para sa mga kabataang nasa Crisis Intervention Center

Published: June 21, 2017 03:59 PM



Pinanguhanan ni Mayor Kokoy Salvador ang pagbubukas ng carinderia at sari-sari store na naglalayong magbigay ng tulong pinansiyal sa ilang “Children in Conflict with the Law” na nasa Crisis Intervention Center ng City Social Welfare Development sa Sto Nino 1st nitong Hunyo 16.

Parte ng kikitain ng nasabing tindahan ay ibibigay na pabaon sa mga kabataang handa nang umalis sa intervention center upang makatulong sa kanilang pagsisimula ng bagong buhay.

Ang nasabing tindahan ay proyekto ng City Social Welfare Development at ng Lokal na Pamahalaan.