TODA Presidents Meeting
Published: June 13, 2017 04:30 PM
Upang muling itatag ang damayan ng mga San Jose City Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), tinipon ang mahigit 100 TODA presidents sa lungsod nitong Biyernes, ika-9 ng Hunyo kung saan dumalo ang Punong Lungsod Kokoy Salvador upang magbigay suporta at ihayag ang magiging sistema ng damayan.
Ang damayang ito ay maihahambing sa isang kooperatiba na naglalayong lumikom ng pondo mula sa regular na kontribusyon ng mga miyembro. Ang pondong ito ay gagamitin ng asosasyon bilang pantulong sa kanilang mga kasama sa oras ng pangangailangan.
Naimbitahan naman sa nasabing pagpupulong,si PO3 Ivy DC Taganas ng Highway Patrol Group (HPG) para talakayin ang iba’t ibang batas trapiko at ipaliwanag ang ilang traffic signs, road markings, speed limit, traffic lights, at iba pa.
Kasama ring dumalo sa pagtitipon sina P/Supt. Reynaldo dela Cruz, City Councilor Roy Andres, at Engr. Vimar Ila ng City Franchising and Regulatory Office.
Samantala, nagkaroon naman ng pagkakataon ang nga TODA na ipahayag ang ilan nilang saloobin, komento, at suhestiyon sa isinagawang open forum dito.
Kaugnay nito, iminungkahi rin ni P/Supt. dela Cruz ang paglalagay ng personalized city sticker sa mga sasakyan para sa identipikasyon ng mga ito at isa rin umano itong paraan para sa motor and carnapping intervention.
- Rozz A. Rubio