News »


Tulong pang-magsasaka, ipinamahagi

Published: June 15, 2017 04:45 PM



Umabot sa 630 kilo ng corn seeds ang natanggap ng 70 kwalipikadong benepisyaryo sa lungsod nitong June 5 sa Demo Farm, Malasin.
Pinangunahan ni City Mayor Kokoy Salvador ang naturang pamamahagi kasama sina City Agriculture Office-OIC Violeta Vargas at City Councilor Wilfredo “Amang” Munsayac.
Layon ng programa na matulungan ang registered at qualified farmers sa kanilang kabuhayan.
Samantala, iginawad naman nitong Martes (June 13) sa mga magsasakang kasapi ng Simula ng Panibagong Bukas (SIPBU) Cooperative ang isang traktora na magagamit naman nila sa pagsasaka lalo na sa panahon ng taniman.
(Ella Aiza D. Reyes)