News »


Tulong Pinansiyal para sa mga Masters Thesis Writing Program, Iginawad

Published: October 14, 2020 12:00 AM



Ipinagkaloob nitong hapon (October 14) ang P10,000.00 financial assistance para sa 16 na benepisyaryo ng Master’s Thesis Writing Program ng Lokal na Pamahalaan.

Sa bisa ng City Ordinance No. 20-009, taon-taon ay tatlumpu ang benepisyaryong makatatanggap ng tulong pinansyal na ito mula sa Lokal na Pamahalaan.

Nauna nang nakatanggap ng tig-sampung libo ang iba pang 14 na benepisyaryo noong September 22. 

Layunin ng ordinansang ito na mahikayat na ipagpatuloy ang pag-aaral ng mga kwalipikadong benepisyaryo upang mas malinang ang kanilang kaalaman at lalo silang humusay sa kanilang propesyon.

Idinaos ang paggawad ng tulong pinansiyal sa OCM Conference Room, kung saan dumalo si Punong Lungsod Kokoy Salvador. 

Katulad ng kanyang mensahe sa unang batch na nakatanggap ng financial assistance, sinabi ni Mayor Kokoy na dapat maging handa ang mga professional sa San Jose sa patuloy na paglago ng lungsod.  

Dagdag pa niya, tuloy-tuloy ang paghikayat niya sa mga investors na pumasok sa San Jose at pangarap niyang makita na balang araw, 100% ng professional workforce sa lungsod ay pawang San Josenios. 

Nagpaalala rin ang Punong Lungsod ng patuloy na pag-iingat sa COVID-19.