News »


TUPAD Orientation

Published: July 11, 2023 01:20 PM



Nagtipon-tipon ang 300 benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) kahapon (Hulyo 10) sa Josephine Village Covered Court para sa kanilang oryentasyon sa nasabing programa ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ilan sa mga tinalakay rito ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa pagpapanatili ng kalinisan sa lungsod bilang mga manggagawa sa ilalim ng nasabing programa sa loob ng 10 araw.

Binigyan din ang mga benepisyaryo ng libreng uniporme at sombrero na kanilang gagamitin sa kanilang pagtatrabaho.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pakikipag-ugnayan ng Public Employment Service Office (PESO) kay Sen. Joel Villanueva at sa Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) Party-List.