TUPAD Payout - 3rd Batch (August 26, 2021)
Published: November 03, 2021 03:06 AM
Matagumpay na ginanap ang pamamahagi ng pinansiyal na tulong para sa ikatlong batch na binubuo ng 103 benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE), nitong Miyerkoles, Agosto 26, sa Brgy. Sto. Niño 1st PAG-ASA Gym.
Ang mga benepisyaryo ng tupad ay naglinis sa kani-kanilang mga barangay sa loob ng sampung araw. Kapalit nito, tumanggap sila ng sahod na PHP420.00 kada araw.
Layunin ng programang makapagbigay ng pansamantalang hanapbuhay sa mga nawalan ng trabaho o sa mga labis na naapektuhan ang kita sa paghahanapbuhay dulot ng pandemya.
Noong Hunyo 15 sa ginanap na oryentasyon ng mga benepisyaryo, nakatanggap din sila ng libreng uniporme, sumbrero, face shield, at face masks na kanilang ginamit sa kanilang trabaho.
Naisakatuparan ang programa sa pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador, Konsehala Trixie Salvador, at ni Senior Labor and Employment Officer Lilybeth Y. Tagle ng Public Employment and Service Office (PESO), kay Sen. Joel Villanueva na naglaan ng isa’t kalahating milyong pondo para sa TUPAD.
Samantala, patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan partikular na ang PESO sa iba’t ibang sangay ng gobyerno para sa mga livelihood programs na makatutulong sa mga San Josenio.