TVET Enrollment at Job Fair ng TESDA, idinaos sa lungsod
Published: March 01, 2018 04:23 PM
Kaisa ang Lungsod San Jose sa ginanap na National Technical and Vocational Education and Training (TVET) Enrollment Day and Jobs Bridging ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga nais kumuha ng Technical-Vocational (Tech-Voc) courses at para sa Tech-Voc graduates na naghahanap ng trabaho.
Pangunahing layunin ng programa na palakasin pa ang adbokasiya ng iba’t ibang programa at serbisyo ng TESDA lalo na mula sa mga grassroots o barangay levels para dumami pang kliyente ang makinabang sa iba’t ibang scholarship at training program ng ahensiya.
Isinagawa ang aktibidad nitong Pebrero 27 sa Pag-asa Sports Complex kung saan bukod sa mga kabataang nagrehistro sa iba’t ibang kurso sa ilalim ng TVET Program, may ilang ahensiya at kumpanya rin ang nakilahok at nag-alok ng iba’t ibang trabaho sa mga Tech-Voc graduates.
Sa mensaheng ibinigay ni Mayor Kokoy Salvador, sinabi niyang ang mga kabataang hindi nakapag-kolehiyo ay nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral at magkatrabaho sa pamamagitang ng TESDA, kaya naman hindi pa siya Punong Lungsod ay itinatag na ang MKS Advanced Training Institute para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kabataan.
Dagdag pa ng Punong Lungsod, mahalaga ang pag-a-upgrade ng kaalaman bilang kwalipikasyon sa paghahanap ng trabaho kaya hinikayat niyang huwag palampasin ang mga oportunidad na iniaalok ng TESDA.
Ang TVET enrolment at jobs bridging o job fair ay sabay-sabay na isinagawa sa buong bansa sa sentro ng mga probinsya, munisipyo, kapitolyo, at iba pang lugar na madaling puntahan ng publiko.