Ultra Spectrum Color Run and Rave Party
Published: April 21, 2023 06:44 PM
Isa na namang epic Color Run ang nasaksihan sa lungsod kahapon (April 20) na nilahukan ng higit 3,000 katao.
Nagtipon muna sa City Social Circle ang mga kasali para sa opening program at warm-up sa pamamagitan ng pag-Zumba.
Kitang-kita naman ang kanilang excitement sa inaabangang aktibidad tuwing piyesta, kaya naman sinabi ni Mayor Kokoy Salvador na mag-enjoy ang mga naroon.
Nagpaalala rin si Vice Mayor Ali Salvador na mas magiging masaya kung ang lahat ay susunod sa rules ng color run upang maging ligtas ang lahat.
Bata man o matanda, hindi inalintana ang mahigit apat na kilometrong layo ng kanilang tinahak na mga kalye sa bayan hanggang makarating sa Public Market, kung saan ginawaran ng special prizes ang mga aktibong kalahok sa color run.
Itinanghal na Most Colorful sina Jeanna Niņa Jimenez at John Joseph Fermin, Most Colorful Couple naman sina Ronie Chua at Diane Malatumbaga, at Most Active Barkada ang grupo ni Krizelle Joy Rios.
Sumunod na idinaos dito ang Ultra Spectrum Rave Party, kung saan dumagundong ang Public Market sa lakas ng tilian at kilig ng mga manonood nang lumabas ang TikTok sensation at professional Disc Jockey na si DJ Loonyoat sikat na rapper na si Gloc-9.
Masayang nakisabay sa sayawan at kantahan ang mga manood, kaya naman hindi maikakaila ang lubos na kasiyahan ng mga nakibahagi sa naturang Ultra Spectrum event ng Pagibang Damara Festival 2023.