Unang K Outreach ng taon, umarangkada
Published: January 10, 2023 03:20 PM
Nadagdagan ang kasiyahan sa Brgy. Sto. Niño 3rd kaninang umaga (Enero 10) nang bumisita ang K Outreach program dito bitbit ang mga tulong at serbisyong handog ng iba’t ibang departamento ng lokal na pamahalaan.
Dumalo sa nasabing programa sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, Bokal Dindo Dysico, at ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Bukod sa mga regular na tulong at serbisyo gaya ng serbisyong medikal, libreng sedula, seedlings, bigas, at iba pa, nabigyan ng wheel chair ang isang senior citizen na residente ng barangay.
Inanunsyo naman ni Dysico ang plano ng kapitolyo na magtayo ng food storage sa pagitan ng Muñoz at San Jose.
Ayon kay Dysico, ito ang magiging pinakamalaking storage sa buong Nueva Ecija.
Samantala, inanunsyo ni Vice Mayor Ali ang binabalak nitong programa na tatawaging “KasALI All” kung saan layunin nitong matulungan ang mga mamamayan sa iba’t ibang sektor.
Hinikayat naman ng Public Employment Service Office (PESO) ang mga kalalakihang dumalo na mag-apply sa Seasonal Farm Workers (SFW) for South Korea employment program.
Ayon sa PESO, layunin nilang magpadala sa South Korea ng nasa 100 hanggang 200 na farm workers mula sa Lungsod San Jose upang mas mapaganda ang kanilang pamumuhay.
Bukod pa rito, naaliw naman ang mga tao sa inihandang pampasiglang bilang ng City Civil Registry Office (CCRO).
Nagpasalamat si Punong Barangay Wilfredo Escudero sa lokal na pamahalaan para sa mga mga serbisyong hatid nito, gayundin sa kanyang mga kabarangay na tumangkilik ng programa.