UPDATE: Sibut Bridge, Muling Binuksan para sa Light Vehicles
Published: July 25, 2018 10:04 AM
Muling binuksan ang Sibut Bridge para sa magagaan na sasakyan (motorsiklo, tricycle, kotse, at iba pang light vehicles) matapos ang assessment na ginawa ng City Engineering sa kalagayan nito.
Personal na nagtungo sa tulay nitong umaga ang Punong Lungsod Kokoy Salvador upang siguraduhin na maayos at ligtas na daanan ito.
Kagabi, pansamantalang isinara ang tulay dahil sa kalagayan ng isang lane nito at sa mabilis na ragasa ng tubig sa ilog, at dahil na rin sa weather condition.
Patuloy pa ring pinag-iingat ang mga motoristang dumaraan sa tulay.
Samantala, tuloy pa rin ang panawagan ng Lokal na Pamahalaan sa DPWH Central Office at sa Tokwing Construction Corporation upang bigyang pansin ang tila mabagal na progreso ng konstruksyon ng bagong tulay.