COVID-19 Bulletin »


Vaccination Kontra COVID-19

Published: March 22, 2021 03:00 AM   |   Updated: June 08, 2021 03:02 PM



Sinimulan na ngayong araw (Marso 22) ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga frontline health worker sa lungsod. 

Kabilang sa mga unang batch ng nabakunahan ang mga doktor at iba pang health worker ng Ospital ng Lungsod ng San Jose (OLSJ) at Heart of Jesus Hospital (HJH). 

Sa kabuuan, umabot sa 135 ang nabakunahan sa araw na ito, at magpapatuloy hanggang Marso 24. 
Tinignan naman ni Mayor Kokoy Salvador ang ginawang pagbabakuna sa Pag-asa Gym at kinumusta ang mga health worker na nakibahagi sa aktibidad. 

Matatandaang 33 vials na may katumbas na 330 dose (10 dose per vial) ng AstraZeneca vaccine mula sa Department of Health ang nauna nang ibinigay rito kamakailan. 

Ang susunod na batch ng COVID-19 vaccine ay ilalaan naman sa City Health Office (CHO) at Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF).